Saturday, January 13, 2007
[...long time no post...]
aun nga, mejo last year ko pa huling nakita ung blog ko kaya binisita ko at nagpost na rin...para masaya... [pero di ko alam kung masaya nga un]XD
ano bang new year's resolution ko? teka. nagtataka lang ako kung bakit pa kelangan ng resolution na yan. e kahit naman araw-araw pa ako magkaroon ng resolution parang wala namang nangyayari e. mapapagod pa ako hindi dahil gagawin ko un kundi dahil mag-iisip ako ng bagong madaling gawin...
ang sarap sana mag-post ng mahaba ngaun... kaso, ang b..ba..ba..bagal..bagal ng PC na toh... ang tagal makarecover.[sigh]
marami ng bago sa'kin ngaun [parang tindahan ah... may bagong paninda..]
mataas na ung level ko sa O2 jam... pero di xobrang taas...
nag-aaral na ako ng mabuti...uhm. mejo. [mejo?]
naka-uwi na ako ng 1:30 ng madaling araw [ kinaya ng powers ko un. hoo.]
may bago na ako kinaaadikan---PRINCESS HOURS... grabe. di ako makatulog pag di ko un napapanood. parang nakakahinga lang ako ng maluwag pag natapos ko ung palabas na yon... kilig talaga.
mabait na ako ngaun. uhm. mejo din.
un. ang daming bago sa'kin. kaya nga ang saya ko e. kahit may kaaway ako.
=====================================
m a r i o l o g y kanina. may play kami. actually, d nmn gnon kahalaga ung role ko. padaan-daan lang at tagasabi ng "SIGE" . ay may isa pa pala akong role. isang salbaheng anak. ang ganda pala umarte sa stage tapos nakatingin sau ung napakaraming tao. o diba? feeling star... hehe... mejo 2 lang ang linya ko bilang isang masamang anak... at masaya ako kasi di ako nadulas or natipalok o kaya naman nadapa, pumiyok at kung ano-ano pang kahihiyan na kinatatakutan kong mangyari. overall, masaya talaga ako kahit na ginagaya ng 1st year ung ulo ko na galaw ng galaw habang umaarte.
maganda ung mariology kanina. enjoy talaga ako. lalo na kapag sumasayaw. ang saya non. mejo malakas ung hang over ko sa mga kanta kc hanggang ngaun kinakanta ko pa rin... [ lulalulalulalulalulaley lula lula lulalulaley hey] lula---> grandmother un... kru. wala na naman akong magawa. hay.
kahit na maraming dapat gawin. maraming kelangang ipasa. ung kayumanggi, ung project ko sa p6 at marami pa. sa xobrang dami di ko na matandaan. kaya hanggang d na lang ang mahabang post na toh.
sa mga bumabasa nito--- NOOD KAU NG PRINCESS HOURS... grabe... ang ganda... hehe...[nag-promote ba daw?]ghe.XD
---2:30 AM---